KASUHAN| Pamunuan ng Barangay Holy Spirit sa QC, Hinahanda na ang Ebidensya Para sa Kas0ng Isasampa Laban kay Angel Locsin!
Masasabing hindi masaya ang naging kaarawan para sa aktres na si Angel Locsin dahil sa nangyari sa ginawa niyang "community pantry' na dinagsa ng maraming tao at naging dahilan ng pagkasawi ng isang matandang lalaki sa Barangay Holy Sprit sa Quezon City.
Nagsasagawa naman ang ilang opisyal ng Barangay Holy Spirit ng imbestigasyon tungkol sa pagdagsa ng mga tao sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.
Ayon sa ulat, sinabi umano ni Barangay Holy Spirit Kagawad Jomar Logarta na inaalam pa nila kung ang barangay o ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ang magsasampa ng kas0 sa aktres dahil sa isinagawa nitong community pantry na hindi nasunod ang mga safety protocols gaya ng social distancing.
Nilinaw rin nito na hindi sila kontra sa intensyon ni Locsin na makatulong sa kanilang mga residente pero dapat ay nakipag-ugnayan muna ito sa kanilang tanggapan.
Handa aniya silang ipagamit ang isa sa mga covered court sa lugar na mas malaki para mas maraming maabutan ng tulong. Samantala, inihayag ng Quezon City LGU na sasagutin nila ang gastusin sa binawian ng buhay na matanda. Matatandaan na nagbigay din ng pahayag noong Abril 23 ang aktres tungkol sa nangyari.
Hindi na umano na-kontrol ang pagdagsa ng tao marahil dahil nangangailangan at nagugut0m na daw ang mga ito. Humingi din siya ng tawad sa naulilang pamilya ng matandang lalaki na inåtake sa pus0 dahil sa init at mahabang pila dahilan ng pagkawala nito.
KASUHAN| Pamunuan ng Barangay Holy Spirit sa QC, Hinahanda na ang Ebidensya Para sa Kas0ng Isasampa Laban kay Angel Locsin!
Reviewed by haplasin
on
April 24, 2021
Rating:
No comments: