LOOK| Gabbi Garcia sa mga basher ng kanyang community pantry "Hindi ko po kailangan ang iyong negative na opinion sa IG ko."


Dahil sa pagsulpot ng mga community pantry, nakipagbayanihan na rin ang maraming Pilipinong nakakaangat sa buhay.

Layunin nila ang makapagbigay ng kaunting tulong, sa pamamagitan ng libreng pagkain, sa mga kababayan nating labis nahihirapan sa buhay sa gitna ng kinakaharap nating pandemya.

Nagsimula ang ganitong klaseng bayanihan sa Maginhawa, Quezon City, na pinangunahan ni Ana Patricia Non.

Ngayon, maraming bahagi na ng bansa ang may kanya-kanyang community pantry.

Isa sa mga nakiisa sa bayanihang ito ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Kahapon, April 21, pinangunahan ni Gabbi ang pagtatayo ng sarili nilang community pantry sa BF Northwest, Parañaque City.


Makikita sa itinayo niyang inisyatibo ang groceries, bigas, gulay, at iba pa.

Sabi niya sa caption, ito ang paraan niya upang umengganyo sa iba pang may mabubuting puso na tumulong din sa kapwa.

Saad ni Gabbi, "Posting this with nothing but pure and good intentions this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way. 

"thank you to our small community for making this possible!  thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more! 

"to all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan "


LOOK| Gabbi Garcia sa mga basher ng kanyang community pantry "Hindi ko po kailangan ang iyong negative na opinion sa IG ko." LOOK| Gabbi Garcia sa mga basher ng kanyang community pantry "Hindi ko po kailangan ang iyong negative na opinion sa IG ko." Reviewed by haplasin on April 22, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.