LOOK| Isang Ginang ang Umani ng Positibong Reaksyon Dahil sa Paghandog Niya ng mga Inaning Gulay sa Isang 'Community Pantry"


Ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa dami, sa laki o sa presyo dahil ang pagtulong, mapamaliit man o mapalaki ay matatawag pa din itong tulong. Gaya na lamang ng isang ginang na ito, ibinigay niya ang inani niyang gulay sa isang community pantry sa Centro, Pamplona Cagayan.

Ang 'community pantry' ay nagsimula ng magtrending ang balita sa isang 'Maginhawa Community Pantry' na mayroong katagang nakasulat na "Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan."



"Ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan ay hindi nasusukat sa estado ng iyong pamumuhay bagkus nasusukat ito sa kung paano mo tanggapin ang hamon ng pagtulong sa kapwa mo." ani ni Mark Ian sa kanyang facebook post.

"Maraming salamat po , Manang sa iyong ibinahagi sa Community Pantry ng Centro , Pamplona Cagayan. Maraming- maraming salamat po ! Pag-uwi ko pupuntahan po kita at ang iyong pamilya upang makapag-abot din ng sukli sa iyong napakagandang kalooban," dagdag pa ni Mark Ian.



Nakakamanghang isipin na kung sino pa 'yung mga walang wala ay sila pa 'yung bukas palad na handang tumulong sa kanilang kapwa.

Narito naman ang post ni Anford Aquino na natutuwa at nagulat dahil sa ginawa ng ilan sa kanilang komunidad na nagbigay ng tulong sa ginawa nilang 'community pantry':

"Bago kami mag launch ng opening ng Community Pantry sa aming barangay, we were surprised because many of our kababayan from centro voluntarily gave their help na galing sa kanilang bukal na puso at kusang loob na ibinigay.

Ang ganitong sistema na kanilang ginagawa ay magandang ehemplo upang tularan sa ating komunidad, Dahil hindi mo na kailangan na sabihin na magbigay sila, sila mismo ang kusang loob na magbibigay nito sa iyo.

I would like to convey to the people that hopefully, we will imitate the habits shown by our kababayan's from centro and of course we are sincerely proud of our kababayan's considering that there are such people in our barangay who do not hinder the pandemic to help those people who are in need. Barangay Centro is sincerely grateful to all of you, I hope there will be more like you, sana madagdagan pa ang mga kagaya nyo at sana maging maganda ang inyong mga kalusugan."


LOOK| Isang Ginang ang Umani ng Positibong Reaksyon Dahil sa Paghandog Niya ng mga Inaning Gulay sa Isang 'Community Pantry" LOOK| Isang Ginang ang Umani ng Positibong Reaksyon Dahil sa Paghandog Niya ng mga Inaning Gulay sa Isang 'Community Pantry" Reviewed by haplasin on April 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.