WATCH| Robin Padilla may Matapang na hamon kay Jim Paredes at sa iba pang kritiko ng administrasyon: "Sumama kayo sakin sa WPS!"
Matindi ang naging hamon ng aktor at military reservist na si Robin Padilla sa mga kritiko ng administrasyon.
Sa kanyang live video, hinamon ni Robin ang ilang kilalang kritiko ng administrasyon katulad nila Senador Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Ping Lacson, dating Supreme Court Associate Justice na si Antonio Carpio, at ang singer na si Jim Paredes na sumama sa kanya sa West Philippine Sea upang tapatan ang militia ng China doon.
Ayon sa kanya ay kung talagang desidido ng mga nasabing personalidad na ipagtanggol ang WPS ay dapat silang pumunta doon.
“Tutal napakadaming matapang. Naririnig mo. Eto may mga politiko. Si Senator Kiko Pangilinan, ex-Justice (Antonio) Carpio, Jim Paredes, Senator (Risa) Hontiveros, si idol, si 10,000 hours Senator (Ping) Lacson.
May mga iba artista pa at singers. Eh, kung talaga pong matapang kayo, eh, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon kasi atin eto,” ani Robin.
“Wala pong mangyayari kung dito tayo sa kalagitnaan ng pandemya, dito tayo lahat nagbabangayan sa Pilipinas, eh nandoon ang problema. Ang kailangan natin militia doon. Ang kailangan natin, tumambay din tayo doon. Ngayon nyo sabihin sa akin yan, kaya nyong magsakripisyo para sa teritoryo natin.” dagdag niya pa.
Naniniwala si Robin na hindi madadaan sa “satsat” ang nangyayari ngayon sa WPS.
Pag amin niya kahit siya na kilalang action star ay kinakabahan kapag nagsasalita ang mga kritiko ng administrasyon tungkol sa WPS.
“Talaga pong pag nagsalita kayo, ako’y ninenerbiyos, eh, sabi ko, katatapang nito, eh doon na natin ilabas ang tapang natin,” sabi niya.
Umabot ng libo libong reactions ang nasabing mensahe ni Robin.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga personalidad na binanggit ni Robin kung kakasa ba sila sa hamon ng aktor.
WATCH| Robin Padilla may Matapang na hamon kay Jim Paredes at sa iba pang kritiko ng administrasyon: "Sumama kayo sakin sa WPS!"
Reviewed by haplasin
on
April 26, 2021
Rating:
No comments: