LOOK: Dalawang Nurses Na Sumagip Sa 35 Na Mga Sanggol Sa Sunog Sa PGH, Ibinahagi Ang Kanilang Karanasan


Nito lamang May 16, 2021 (Linggo) ay sumiklab ang sunog sa Philippine General Hospital o PGH sa Taft Avenue, Manila. Ayon sa report ng BFP-…

Nito lamang May 16, 2021 (Linggo) ay sumiklab ang sunog sa Philippine General Hospital o PGH sa Taft Avenue, Manila.

Ayon sa report ng BFP-National Capital Region , ay nag mula ang sunog sa operating room sa pangatlong palapag ng pasilidad. Na kung saan ang sunog ay umabot sa first alarm hanggang sa second alarm.

Isa sa mga nakaduty sa oras na iyon si Nurse Kathrina Macababbad kung saan ito ay naka talaga sa mga newborn patients. At ayon dito, noong mga oras na iyon ay nagpapaligo ito ng mga baby patients nang biglang sumiklab ang sunog.



“Enjoy na enjoy pa ako nagpapaligo ng mga baby loves (patients) ko nang biglang may nagbukas ng pinto ko at sabi ay magprepare ng mag evacuate dahil may sunog,”

Dagdag pa nito, anim ang nakatalaga sakanyang mga pasyente at lima dito ay naka ventilator-dependent. Kaya naman hindi niya sinayang ang oras at agad nitong inuna ang mga nahihirapang huminga para sa kanilang sarili.

“Nakakaiyak na habang bitbit ko yung mga kayang huminga mag isa, maiiwan yung mga naka intubate at ventilator.”



Kasama ni Nurse Kathrina ang kanyang colleague na si Jomar Mallari kung saan bumalik ang mga ito upang sagipin pa ang ilan sa mga sanggol na naiwan na naka ventilator. Ayon kay Nurse Kathrina, hindi nito alam kung ano sumapi sa kanila para magawa ang napakahirap na desisyon na bumalik pa.

“Ewan ko kung ano sumapi sa amin,”

Sa kanilang pag balik ay nakapag labas pa sila ng mga medical at emergency equipment katulad ng intubation, ambubags, oxygen cannula, emergency meds, at newborn blankets at marami pang iba.

At sa kanilang pag rescure sa mga sanggol ay hindi nila nakaligtaan na idikit at wag maghalo ang mga tags o identification ng mga sanggol.

“Pati crib tag dinikit namin sa diapers nila to avoid baby switching”
“Thank you Lord for the unwavering strength and courage!!! Di ko alam kung saan nanggaling iyon pero wala akong naramdamang takot sa dibdib ko.”

Sa ganap na 5:41 ng umaga ay idiniklara ng fire out ang sunog. At ang ilang sa mga sanggol ay agad na inilipat na sa Sta.Ana Hospital.

Ang istorya na ito Kathrina ay kangang ibinahagi sakanyang socmed account at ito naman ay mabilis na nagviral na umabot na sa mahigit 100,000 ang nag share dito.

Tunay ngang kahanga-hanga ang pinakitang kabayanihan ng dalawang nurse na ito na nagsagip sa 35 na sanggol sa sunog sa PGH. Nawa’y marami pa ang katulad ng mga ito na handang isugal ang kanilang buhay para sa kapakanan ng iba.


LOOK: Dalawang Nurses Na Sumagip Sa 35 Na Mga Sanggol Sa Sunog Sa PGH, Ibinahagi Ang Kanilang Karanasan LOOK: Dalawang Nurses Na Sumagip Sa 35 Na Mga Sanggol Sa Sunog Sa PGH, Ibinahagi Ang Kanilang Karanasan Reviewed by haplasin on May 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.