LOOK| Kakaibang Proposal ng Isang Rider, Viral ngayon sa Social Media!


Viral ngayon sa mga social media cites, ang kakaibang proposal ng isang motorcycle rider. Noong una kasi niyang ginawa ay nakipag karerahan sa mga iba pang rider na kanyang mga kasamahan. Kaya bumaba muna sa motor ang kanyang babaeng kasintahan na syang aayain upang magpakasal.

Nagsimula na ang karera ng mga riders. Ngunit sa kalagitnaan ng karera ay bigla na lamang madidisgrasya at masesemplang ang lalaking mag popropose. 


Dali dali namang nilapitan ng babae ang kanyang kasintahan upang tingnan kung okay lang ito. Tinulungang tumayo ng babae ang kanyang nobyo, dahil hirap itong tumayo.

Habang inaalo ng babae ang kanyang nadisgrasyang nobyo, ay bigla na lamang itong lumuhod at inilabas ang sing sing na nasa bulsa nito. Kasabay nito ay ang paglabas ng banner ng mga kasamahan ng lalaki na may nakalagay na "Will You Marry Me?".

Hindi makapaniwalang tinitingnan ng babae ang kanyang nobyo. Nag ani ng maraming positibong reaksyon at komento ang naturang proposal. Sa huli ay tinanggap naman ng babae ang proposak at sinuot ang sing sing.



LOOK| Kakaibang Proposal ng Isang Rider, Viral ngayon sa Social Media! LOOK| Kakaibang Proposal ng Isang Rider, Viral ngayon sa Social Media! Reviewed by haplasin on May 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.