OFW Nagtiya-tiyaga sa mga tira-tirang pagkain para Magkalaman ang kumakalam na sikmura at hindi masayang ang pagkain!


Hindi madalinang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW), tinitiis nila na mawalan ng ilang taon sa kanilang mahal sa buhay at umalis sa sariling bansa para lang masuportahan ang kanilang pamilya.

Kadalasan iniisip ng nakararami na kapag ikaw ay nag-abroad ay magaan ang buhay. Ngunit sa kabila nito ay hindi nila nakikita ang tunay na nararanasang pasakit at sakripisyo ng mga kababayan nating OFW.

Isa sa mga nagpapatunay nito ay ang mga nararanasan ng ilan nating kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper.



Bukod sa mahirap na ang kanilang trabaho ay kung malalasin ka pa ay mas lalong magiging mahirap kung matatapat ka sa mapagmalupit na amo. Katulad na lamang na ibinahagi ng isang OFW Tungkol sa kanyang nakakaawang kalagayan.

Ipinakita niya dito kung paano siya namumulot ng mga tira-tirang pagkain ng kanyang amo sa basurahan upang magkaroon lamang ng laman ang kanyang kumakalam na sikmura.


Bagay na lagi raw ginagawa ng iba rin mga domestic helper. Dahil sa pangyayaring ito ang nakakaawang kalagayan ng OFW na ito ay umani ng ibat-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Samantala, Hanggang ngayon ay wala ng inilabas na update ang naturang OFW tungkol sa kalagayan nito wala rin nakakaalam kung ang kalagayaan ng OFW ay nakaabot na sa pamunuan ng OWWA lalong-llao na sa kanyang agency na humahawak ng kanyang kontrata.

Manalangin tayo na sana ay mabigyan pansin ng mga kinauukulan at ng gobyerno ang kwento ng ating mga OFW upang mabigyan ng tulong ang mga ito at mailigtas sa maaaring kapahamakan.


OFW Nagtiya-tiyaga sa mga tira-tirang pagkain para Magkalaman ang kumakalam na sikmura at hindi masayang ang pagkain! OFW Nagtiya-tiyaga sa mga tira-tirang pagkain para Magkalaman ang kumakalam na sikmura at hindi masayang ang pagkain! Reviewed by haplasin on May 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.