Marami sa ating mga driver at konduktor ng bus ang umaaråy dahil sa kawalan ng kita simula nang magkaroon ng libreng sakay para sa mga tao. Naapektuhan umano ang kanilang trabaho dahil dito sa EDSA Carousel Bus kung saan libre at walang babayaran ang mga sasakyan sa naturang bus. Kaya naman, nakakalungkot man ngunit umabot na ang ilan sa kanila sa puntong namamålimos na lang sila sa mga tao para may pang gastos sa kanilang pang araw-araw.
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang mawalan sila ng trabaho dahil nagsimula na ang pagkakaroon ng libreng sakay sa mga authorized persons outside of residence o APOR sa mga tinatawag ng EDSA Carousel Bus.
Ayon naman sa ulat ng GMA News nang makapanayam nila ang dalawang konduktor na pikit-matang namamalim0s sa mga tao para lamang may maibigay na suporta sa kani-kanilang pamilya.
"Limang linggo na kaming ginugutom ng gobyerno kaya ngayon humihingi kami ng tulong-suporta at labag man sa kalooban namin ito, kapit na kami sa patålim," ayon kay Philip Elequin isa sa mga konduktor na dating nangongolekta ng pamasahe na ngayon ay nangongolekta na ng tulong mula sa mga pasahero.
Magmula nang magkaroon umano ng libre-pasahe sa mga APOR ay kabilang sila sa hindi na muling pinapasok ng kanilang kompanya.
Ayon naman sa naging pahayag ng kasamahan ni Elequin na si Edmel Salisad ay kalam ng sikmurå ang inabot ng kanyang pamilya lalo na at nagdadalang-tao pa ang kanyang misis. Dahil dito, matiyaga siyang nanghihingi muna ng tul0ng sa ibang tao dahil wala rin umano sila natatanggap na suporta mula sa kanilang kompanyang pinasukan.
PANOORIN| Ilang Driver at mga Konduktor ng Bus, Napilitan Nang Mamalimos Dahil sa Kawalan ng Kita!
Reviewed by haplasin
on
May 12, 2021
Rating:
No comments: