PANOORIN| Mahgit sa P15,000 Halaga ng Donasyon Para sa Amang Maysakit, Nilimas ng Scammer "Sana Makonsensya!"


Labis ang panlulumo at pagkadismaya ng isang netizen na si Jayvee Buracan matapos umano siyang mabiktima ng isang “scammer” na walang awang nilimas ang laman ng kanyang virtual wallet na panggamot sana sa ama niyang may karamdaman. Ang perang inubos ng nasabing scammer, donasyon mula sa mga taong tumutulong sa biktima upang maipagamot ang ama nitong maysakit sa puso.

“Bakit naman po ganun? Kung sino pa nangangailangan siya pa bibiktimahin. Paki tulungan po ako please, paki trace po yung no. Please kung sino man may kakilala o may alam please, walang wala napo ako. Di kona po alam gagawin ko, nag tiwala lang naman po ako pero nasobrahan, bakit buhay pa kayo mga bwaka ng ina nyoooooooo. Antayin nyo lang rehas na hihimasin nyo,” saad ni Buracan sa kanyang post sa social media.

Ayon kay Buracan, bago naganap ang insidente ay nauna na siyang humingi ng tulong online dahil umano sa bigat ng gastusin para sa mga gamutan ng kanyang ama.

“Hindi po talaga sapat sa pang-araw-araw at tsaka sa pambili po ng gamot ng tatay ko (kaya ako nag-post sa social media),” saad ni Buracan.

Pagkatapos niyang mag-post ay mga mabubuting loob naman na nagbigay ng tulong at umabot nga ito sa halagang P15,000. Subalit, parang bula itong naglaho ng mabiktima si Buracan ng isang scammer sa social media na nagkunwaring magbibigay ng tulong. Kinuha umano nito ang mahahalagang detalye ng mobile wallet ni Buracan at dahil sa pagtitiwala at kasalukuyang sitwasyon ay naibigay naman ito ng biktima.“Hindi ko na po kasi naisip kung anong masamang mangyayari sa’kin, parang lahat ng maibibigay kong impormasyon dahil talagang nangangailangan po. Nabilog niya po ako tapos nakuha niya po sa’kin ‘yong mga impormasyon,” ani Buracan.

Kaagad namang naidulog ni Buracan ang insidente sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Samantala, nangako si PNP-ACG spokesperson Police Captain Mark Norbe na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matukoy ang suspek at mabigyan ng hustisya ang pamilya ni Buracan.


PANOORIN| Mahgit sa P15,000 Halaga ng Donasyon Para sa Amang Maysakit, Nilimas ng Scammer "Sana Makonsensya!" PANOORIN| Mahgit sa P15,000 Halaga ng Donasyon Para sa Amang Maysakit, Nilimas ng Scammer "Sana Makonsensya!" Reviewed by haplasin on May 04, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.