PANOORIN| Mystica matapang na pumalag matapos diumanong tawagin na mayroong “sayad” ni Jam Magno


Bumanat muli ang dating aktres na si Ruby Rose Villanueva o mas kilala sa kanyang alyas na ‘Mystica’ matapos makarating sa kanya na tinawag daw siyang ‘may sayad’ ni Jam Magno.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang mga mahigit 15 minutong banat ni Mystica laban kay Jam bilang pagsuporta niya sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo.

Sa nasabing pahayag ni Mystica ay sinabi nito na hindi magka-level si Rabiya at Jam.

“Akala mo kapag nakapag ingles ka na ‘yun na ‘yon? It’s not how you define somebody who’s really genius, you don’t even a little of quality that would level to her,” ani Mystica.

Kahapon naman ay nakisali ang diumano’y pekeng Twitter account ni Jam at tinawag na may “sayad” si Mystica.

“WALA AKONG PANAHON SA MAY SAYAD NA MYSTICA , BUSY AKO SA PAGTULONG,” sabi ng nasabing Twitter account na ngayo’y suspendido na.

Hindi naman nagpatalo si Mystica at gumawa muli siya ng isang mensahe para kay Jam.

Ayon sa dating aktres ay ang totoong may “sayad” ay si Jam at hindi siya.

Paliwanag pa ni Mystica ay nagpapanggap lamang daw siya na mayroong sayad para kay Rabiya.

“It takes one to know one, kaya ibig sabihin siya yung may sayad kaya alam niya ang gamitin sa isang tao sasabihin niya na may sayad,” ani Mystica.

“I am acting as may sayad kasi kung hindi ako magpapaka baliw baliwan diyan hindi ko siya papatulan, kaya pasalamat ka dahil pinatulan kita,” dagdag niya.

Hinamon pa ni Mystica na makipagtalakan sa kanya kung talagang matapang siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Jam sa mga banat sa kanya ni Mystica.

Sa ngayon ay napabalita na disabled na ang isa sa mga social media platform na ginagamit ni Jam, ngunit nangako ito na babalik siya.


PANOORIN| Mystica matapang na pumalag matapos diumanong tawagin na mayroong “sayad” ni Jam Magno PANOORIN| Mystica matapang na pumalag matapos diumanong tawagin na mayroong “sayad” ni Jam Magno Reviewed by haplasin on May 19, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.