Watch | Lalamove Delivery Rider, Tinulungang Makauwi ang Isang Mororcycle Rider na Nasiraan sa Gilid ng Kalsada!


Likas na sa mga Pilipino ang pagiging matulungin sa kapwa at ang pagbabayanihan na talaga namang maipagmamalaki natin sa ibang lahi. Isa na rito ang Lalamove Delivery Rider na tumulong sa isang motorcycle rider nang makita nitong tila nasiråan sa gilid ng kalsada. Kwento ni chris Dii, nasiraån umano siya ng motor sa Commonwealth bandang alas-diyes ng gabi.

Dahil dito ay nawalan na siya ng pag-asang makakuwi sa kanila sa may Cubao.
Sa pag-iisip niya kung paano siya makakauwi sa kanila ay inilapag niya ang helmet sa sahig habang malayo ang kanyang tingin.

Sa kabutihang palad, ay hindi naman niya inaasahan na may tutulong sa kanya. Lumapit naman sa kanya ang isang Lalamove Rider na nagmistulang anghel at tinanong siya kung nasiråan ba siya na agad naman niyang sinagot na ayaw umano umandar ng kanyang motrsiklo.


Kaya naman, agad na nag-offer ang Lalamove Rider na ihatid siya upang upang makauwwi na dahil wala na rin umanong motor repairing shop ng mga oras na iyon.

Sa video na ibinahagi ni Chris Dii sa social media ay makikita na sa pamamagitan ng lubid ay itinali hila-hila ng morosiklo ng Lalamove rider ang kanyang motorsiklo at walang pag-aalinlangang tinulungan siya nito.


Lubos naman ang pasasalamat ni Chris Dii sa Lalamove rider na tumulong sa kanya para makauwi.

Marami sa mga netizens ang naka-relate sa pangyayaring ito. Ayon sa kanila, tinulungan din sila ng ilang Lalamove Rider. Saludo naman ang karamihan sa pagiging matulungin nito sa kanyang kapwa.

"Nasiraan din ako sa sta.mesa tropang lalamove ang tumulong saken. salute sainyo mga boss. kaya lahat ng transactions ko sa maliit na business ko lalamove lang tlga gngamit kong apps pra.makabawi sa mga tropang rider. ingats palagi mga boss and godbless."

"Ganyan din sa akin nakabike nman sila galing sila sa tagaytay nman pauwi narin ako galing ako cavite dumaan ako sa SM SUCAT pauwi sila valenzuela buti may tali ako kya henila ko ung bike ni kuya toktok riders din ako ingat kyo plagi sa biyahe mga sir cainta rizal pa ako nauwi"

"Parehas lang po kame lalamove rider din po ako pero marami na rin po ako natulungan masarap sa pakiramdam na tumutolung ka sa kapwa rider mo," komento naman ng isang rider din.


Watch | Lalamove Delivery Rider, Tinulungang Makauwi ang Isang Mororcycle Rider na Nasiraan sa Gilid ng Kalsada! Watch | Lalamove Delivery Rider, Tinulungang Makauwi ang Isang Mororcycle Rider na Nasiraan sa Gilid ng Kalsada! Reviewed by haplasin on May 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.