WATCH| Leng Altura nagsalita na sa diumano’y kumakalat niyang Scandal video: “Wag niyo ngang pansinin yan!”


Nagsalita na ang kilalang internet celebrity at Tiktoker na si Arlene “Leng” Altura tungkol sa diumano’y kumakalat niyang pribadong video.

Nagsalita si Leng tungkol sa kinakasangkutan niyang isyu sa vlog ni Whamos Cruz kung saan ay ginawa pa nilang content ang nasabing usapan tungkol sa video ng Tiktoker.

Sa video ay makikita na kinukulit ni Whamos si Leng tungkol sa isyu at ikinukumpara din ng vlogger ang itsura ng Tiktoker sa babae sa video.

Ayon kay Whamos ay hindi naman kamukha ni Leng ang nasabing babae.

“May tattoo ka sa likod, eto namang (babae sa video) wala namang tattoo” sabi ni Whamos.

“Saka tignan mo ‘yung ilong mo, hindi ikaw talaga to Leng eh,” dagdag niya pa.

Sinabihan naman ni Leng si Whamos na wag ng pansinin ang nasabing isyu.

Inamin din ni Leng na sobra siyang na stress sa pagkalat ng nasabing video kahit hindi naman totoo na siya ‘yon.

“Unang nood ko diyan nagulat din ako, kasi may nag chat sakin, ‘yung babae taga Laguna lang,” kwento ni Leng.

Sinubukan din naming kumpirmahin kung si Leng nga ang nasabing babae at nalaman namin na hindi pala talaga ang Tiktoker ang nasa video.

Isang online community din ang iginiit na ibang babae ang nasa video at pinangalanan din nila ito.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Leng kung may balak ba siyang gawing aksyon sa mga nagkakalat ng nasabing video.


WATCH| Leng Altura nagsalita na sa diumano’y kumakalat niyang Scandal video: “Wag niyo ngang pansinin yan!” WATCH| Leng Altura nagsalita na sa diumano’y kumakalat niyang Scandal video: “Wag niyo ngang pansinin yan!” Reviewed by haplasin on May 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.