WATCH| Netizen pinuna ang isang channel dahil pinalabas nito sa telebisyon ang Scandal video ni Jim Paredes
Ikinagimbal ng isang netizen ang kanyang napanood sa telebisyon dahil ipinalabas dito ang kontrobersiyal na video ng legendary OPM artist na si Jim Paredes.
Ipinost ng netizen na si Kimmy Fajardo sa kanyang Twitter page ang diumano’y pagpapalabas ng DZRH News ng iskandalo ni Paredes na unang kumalat sa social media noong 2019.
“Ano tong ginagawa niyo @dzrhnews?? Tama ba yan?” tanong ni Fajardo.
Hindi din nagustuhan ng ilang netizens ang ginawang ito ng DZRH.
“You think @dzrhnews mapapabagsak nyo na yung pinaglalaban ng tao just by exposing that? Desperate move? What kind of propaganda is that?” tanong ni @juvyclairenrile.
“Sir @Jimparedes baka pwedeng gawan ng aksyon to…Kasuhan ang dapat kasuhan para magtanda,” ani @jcl11211.
Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang DZRH tungkol sa nangyaring pagpapalabas nila ng video ni Paredes.
Humingi ito ng tawad dahil sa pagpapalabas nila ng nasabing video.
“We at DZRH News Television would like to extend our most sincere apologies for broadcasting inapproriate content during the entertainment segment in one of our morning newscasts,” pahayag ng DZRH Manila.
“As an information content provider over traditional and social media amidst these trying times, we recognize the importance of our duty to deliver the latest news in a manner that meets the highest journalistic standards, congruent with established social and cultural norms,” dagdag pa nila.
Inamin nila na nagkaroon ng “lapses” sa kanilang desisyon na ipalabas ito.
Pinarusahan nadin daw nila ang nasa likod nito.
Hindi naman nagbigay ng pahayag si Paredes tungkol sa nasabing ginawa ng DZRH.
Matatandaan na sobrang naapektuhan si Paredes at ang kanyang pamilya sa nasabing video na ilang linggo ding nagpakalat kalat sa internet.
WTF!!! Ano 'tong ginagawa niyo @dzrhnews??? Tama ba 'yan???? pic.twitter.com/0e5mdOimaA
— Kim Fajardo (@KimmyPatrol) July 29, 2020
UPDATE: @dzrhnews releases official statement on this incident. pic.twitter.com/6u6ngqQh5n
— Kim Fajardo (@KimmyPatrol) July 30, 2020
WATCH| Netizen pinuna ang isang channel dahil pinalabas nito sa telebisyon ang Scandal video ni Jim Paredes
Reviewed by haplasin
on
May 11, 2021
Rating:
No comments: