GRABE NAMAN| OFW sobrang nasaktan ng minura ng kaniyang anak dahil lang hindi kaagad nakapagpadala ng kwarta


Hindi biro ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW). Ang pag-alis sa bansa ay nangangahulugan na sila ay mawawalay sa kanilang pamilya at mahal sa buhay sa matagal na panahon at magiging kuntento na lamang sila sa mga tawag o message sa social media.

Nangangahulugan din ito na hindi nila mababantayan o magagabayan ang kanilang mga anak at hindi nila makikitang lumaki ang mga ito dahil inaalagaan nila ang mga anak ng kanilang amo.



Sa screenshot ng kanilang conversation, makikita na m1nura siya ng kaniyang anak dahil lamang hindi niya agad napadala dito ang pera dahil sa mga pangyayari. 

Ayon sa kaniyang anak, siya ay nasa "shop" na nang mga oras na iyon at pinangakuan din niya ang may-ari ng shop na ngayon siya magbabayad sa mga ito.



Paliwanag naman ng kaniyang ina, hindi siya makalabas dahil ayaw pa siyang palabasin ng kaniyang amo kaya hindi pa niya maipapadala ang pera at made-delay lamang ito ng kaunti.

Ngunit, tila hindi maintindihan ng kaniyang anak ang kaniyang kalagayan dahil minura pa siya nito!


Sa conversation, sinabi ng ina na naiyak na lamang siya sa ginawang pagmur4 sa kaniya ng kaniyang anak. Ani pa nito na sobra ang sakripisyo at hirap na ginagawa niya sa pagtatrabaho abroad ngunit hindi man lang siya marespeto at namura pa siya ng kaniyang anak dahil hindi lang nasunod ang gusto nito.

Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagalit sa anak dahil sa ginawa nitong pagmumura sa kaniyang ina.


GRABE NAMAN| OFW sobrang nasaktan ng minura ng kaniyang anak dahil lang hindi kaagad nakapagpadala ng kwarta GRABE NAMAN| OFW sobrang nasaktan ng minura ng kaniyang anak dahil lang hindi kaagad nakapagpadala ng kwarta Reviewed by haplasin on April 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.