LOOK| Batang Mangyan na nagbigay ng Kamote sa Community Pantry, Nakatanggap ng scholarship hanggang kolehiyo
Tumanggap ng scholarship si Don Don Sinagmayon o mas kilalang Cornelo mula sa Tribung Alangan sa Barangay Pinagturilan sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro matapos maantig ang mga organizers nang magbigay ito ng kamote sa community pantry.
"I never imagined that this project would be this life-changing kaya thank you so much sa mga nagshare ng kwento ni Cornelo," pahayag ni Christopher Lara, kasapi ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan (KNL).
Muling pinuntahan ng KNL si Cornelo upang ipaalam sa kanya na nanumpa ang executive committee ng KNL na ito'y bibigyan ng scholarship mula elementarya hanggang kolehiyo.
Malugod itong tinanggap ni Cornelo sapagkat maisasakatuparan niya ang pangarap niyang maging guro.
Nagbigay muli ang pamilya ni Cornelo ng kamote para sa Occidental Mindoro Community Pantry na ngayon ay on wheels na. Napag-alaman din ng KNL mula sa nanay nito na galing ang kamote sa kanilang taniman at inihanda raw talaga nila ito para ibigay sa community pantry.
Ayon naman sa mga kapitbahay Don Don, mabuting bata raw talaga ito dahil kahit sila ay binibigyan ng kamote o mga huling isda sa ilog. Siya rin daw ang inaasahan sa kanilang pamilya habang nasa trabaho ang kuya at tatay nito lalo na noong nagkasakit ang in anito.
LOOK| Batang Mangyan na nagbigay ng Kamote sa Community Pantry, Nakatanggap ng scholarship hanggang kolehiyo
Reviewed by haplasin
on
April 26, 2021
Rating:
No comments: