MUST WATCH| Mga Babaeng Nag-viral na Humakot sa community pantry sa Pasig, nag-public apology na "eco girls?"


Nag-public apology na ang mga tinaguriang "eco girls" ng community pantry sa Kapitolyo, Pasig City.

Sila ang mga babae sa viral video kung saan naaktuhan silang nililimas ang laman ng kanilang community pantry.

Napag alaman na matapos nilang humingi ng dispensa sa organizer ng pantry, patuloy pa rin silang naba-bash online.

Maging ang kanilang mga pamilya lalo na ang kanilang mga anak ay nadadamay sa pambabatikos ng mga tao.

Nilinaw din nilang ipinamahagi naman nila ang dinalang pagkain at hindi naman nila ito sinarili.

Subalit patuloy pa rin ang mga bashers sa panghuhusga sa kanila. Ang masklap, nakatanggap na rin sila ng pagbabanta.

Maging si Tulfo ay dinipensahan na rin ang mga babae lalo na nang siya mismo ang makabasa ng mga komento ng netizens.

Paliwanag ni Tulfo, hindi naman nagnakaw ang mga ito at ang tanging pagkakamali nila ay ang hindi pagsunod sa pagkuha ng sapat lamang sana para sa kanilang pamilya.

Isa-isa na rin niyang pinagsalita ang mga ginang upang makapagbigay sila ng pahayag ng kanilang saloobin sa publiko
"Pasensya na po sa kung ano yung nagawa namin, alam po namin na mali po kami."
"Sana mapatawad niyo kami at huwag niyo na po kami i-bash"

Samantala, nangako naman si Tulfo na tutulungan niya ang "eco girls" sa pagsasampa ng mga ito ng kaso sa mga patuloy na nagbabanta sa kanila.


MUST WATCH| Mga Babaeng Nag-viral na Humakot sa community pantry sa Pasig, nag-public apology na "eco girls?" MUST WATCH| Mga Babaeng Nag-viral na Humakot sa community pantry sa Pasig, nag-public apology na "eco girls?" Reviewed by haplasin on April 23, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.