LOOK| Panghihingi ng 10,000 piso kada buwan na ayuda ng ilang grupo, binatikos ng ilang netizens "Magtrabaho kayo!"
Isang grupo na nakisali sa protesta nitong Mayo 1 ang humiling na bigyan sila ng ayuda na tumataginting na P10,000 kada buwan.
Sa kanilang protesta, sinabi ng grupong Ayuda Network na madaming tao ang sobrang apektado na ng nangyayari sa bansa kaya naman ay humihiling sila ng tulong mula sa gobyerno.
Nakadagdag pahirap din daw ang lockdown na ipinapatupad ng gobyerno sa mga tao.
“Many full-time workers became part-time or they had work in rotation. Workers tried to find different means of income, but the lockdown has limited their livelihood options,” ani Buddy Carranza ng Ayuda Network.
Ayon sa kanila ay hindi sila titigil hangga’t hindi ibinibigay ng gobyerno ang kanilang hiling.
“People need economic relief now so they can provide for their families and strengthen their health and immunity,” sabi niya pa.
Tumaas naman ang kilay ng ilang netizens sa hiling na ayuda ng nasabing grupo.
“Ang kakapal ng mukha nyo!!!! Mag trabaho kayo nakakahiya naman sa mga nag hahanap buhay na putol ang paa at yung iba bulag yung iba putol kamay tapus kayo ang lalaki ng katawan nyo nanghihingi kayo ng ayuda??” ani Marge Maganda.
“Jan kau magaling ang umasa nlng sa ayuda! Matuto din sana kau dumiskrte sa buhay! Daig nyo p mga inutil, mga pasaway kau! Buti p mga mahihirp marunong dumiskarte, kau ke lalaki mga katawan nyo d kau marunong dumiskarte, kakapal ng mukha nyo!” sabi naman ng isa pang netizen.
May isa pang netizen ang ipinakita ang isang PWD na nagta-trabaho kahit siya ay may kapansanan para kumita lamang.
“TINGNAN NIYU C KUYA MAY KAPANSANAN PERU HINDI UMAASA SA AYUDA…MGA TAMAD KAYO PALAMUNIN,” comment ni Aissa Eborde.
Hindi pa nagbibigay ng tugon ang palasyo sa hiling na 10,000 piso kada buwan na ayuda ng nasabing grupo.
LOOK| Panghihingi ng 10,000 piso kada buwan na ayuda ng ilang grupo, binatikos ng ilang netizens "Magtrabaho kayo!"
Reviewed by haplasin
on
May 01, 2021
Rating:
No comments: