WATCH| 10,000 tao na pumunta sa community pantry ni Angel Locsin, kailangan daw i-contact trace dahil sa posibleng pagkahawa nila!
Panibagong sakit sa ulo ang kakaharapin ng Quezon City Government dahil sa 10,000 katao ang kailangan nilang hanapin dahil sa community pantry na itinatag ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang kaarawan nitong Abril 23.
Sa isang panayam, sinabi ng alkalde ng Quezon City na si Joy Belmonte na dalawa sa mga pumunta sa community pantry ni Angel ang nag positibo sa nakakahawang sakit.
Dahil dito ay kinakailangan nilang hanapin lahat ng 10,000 na pumunta sa nasabing pagdiriwang.
Matatandaan na hinimok na ni Belmonte ang lahat ng pumunta sa community pantry ni Angel na magpa-swab test na libre namang ibibigay ng Quezon City Government.
“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo.
Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” CESU chief Dr. Rolando Cruz said.
Naging kontrobersiyal ang nasabing community pantry ni Angel dahil sa pinagkaguluhan ito ay may isa pang matanda na nasawi.
Pinuna rin siya dahil sa pag-anunsyo niya ng kanyang community pantry sa social media kung saan ay milyon milyon ang kanyang followers.
Humingi naman ng tawad si Angel sa kanya at sinabi na hindi naman niya ginusto ang nangyari.
WATCH| 10,000 tao na pumunta sa community pantry ni Angel Locsin, kailangan daw i-contact trace dahil sa posibleng pagkahawa nila!
Reviewed by haplasin
on
May 02, 2021
Rating:
No comments: