PANOORIN| Boxer na si Eumir Marcial, may reklamo sa gobyerno: “Tingin niyo sapat ang 43,000 pesos montly allowance para sa Olympics?”


Hindi na nakatiis pa ang inilabas na ng national team boxer na si Eumir Felix Marcial ang kanyang sama ng loob sa diumano’y kulang na pondo na ibinibigay ng gobyerno sa kanya.

Sa isang Facebook post, binanatan ni Marcial ang gobyerno dahil sa 43,000 na monthly allowance na kanyang natatangap para sa preperasyon niya sa darating na Tokyo Olympics.

Ayon sa kanya ay dapat wag ng umasa ang gobyerno na magkakaroon ng gold medal ang Pilipinas sa olympics kung kulang naman ang ibinibigay nila sa mga atleta.

“Mga taong walang alam sa sports tahimik nalang kayo! Hindi niyo alam ang katotohanan. Since last year noong nasa United States ako hanggang ngayon dito sa Zamboanga City tingin niyo sapat ang 43,000 pesos monthly allowance para sa preparation para sa Olympics? (which is allowance ko yun sa sarili ko as a national athlete) Do you think I can relay jan sa 43,000 pesos para sa plane tickets accomodation, food, coaching staff, supplements, masseur, and etc.” banat ni Marcial.

Ayon sa kanya ay inaabonohan niya na lamang ang kanyang mga gastusin gamit ang kanyang sariling pera at ng mga private sponsors niya.

“Kung ganyan ang supporta at mentality niyo wag kayong mag hangad ng gold sa Olympics!” saad niya.

“Ngayon ang tanong ko sa sarili ko at tanong ko din sa inyo mahihina ba kameng mga Pilipinong atleta kung bakit hanggang ngayon walang nakakakuha ng gold sa Olympics o sadjang may problema na ang pag supporta galing sa inyo?” dagdag niya pa.

Ayon naman sa Philippine Sports Commission (PSC) ay hindi sila tumigil sa pagbibigay ng 43,000 pesos kada buwan kay Marcial.

Maliban pa daw sa 43,000 ay nakakatanggap din daw ito ng 30,000 pesos bilang enlisted personnel ng Philippine Air Force.

Hindi si Marcial ang unang atleta na nagreklamo sa suporta na natatangap nila sa gobyerno.

Matatandaan na noong 2019 ay nagreklamo din ang Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang natatanggap na suporta mula sa gobyerno.

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ko, I need financial support.” sabi ni Diaz.


PANOORIN| Boxer na si Eumir Marcial, may reklamo sa gobyerno: “Tingin niyo sapat ang 43,000 pesos montly allowance para sa Olympics?” PANOORIN| Boxer na si Eumir Marcial, may reklamo sa gobyerno: “Tingin niyo sapat ang 43,000 pesos montly allowance para sa Olympics?” Reviewed by haplasin on May 14, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.