WATCH| Francis Leo Marcos, ipinagkalat daw na may utang sa kanya si Manny Pacquiao na bilyong piso?


Binunyag ng isang nagpakilalang matalik noong kaibigan ni Francis Leo Marcos (FLM) ang mga diumano’y pinagkakalat ng internet celebrity sa kanyang mga taga suporta.

Sa isang press conference, ibinunyag ni Mary Ann Faustino o mas kilala sa kanyang palayaw na “Nanay Mary Ann” ang mga diumano’y pinagsasabi ni FLM para humanga sa kanya ang kanyang mga taga suporta.

Ayon kay Faustino ay binanggit na ni FLM ang mga pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Senador Manny Pacquiao sa kanyang mga taga suporta.

Kwento ni Faustino ay tinawag na daw na “trapo” noon ni FLM si Inday Sara.

Mayroon din daw utang si Senador Pacquiao kay FLM na bilyong piso.

“Senator Manny Pacquiao sir, Mr. Senator, sana po magsalita kayo at ma clear ang pangalan niyo dahil ipinagkakalat po sa socmed ni Norman Mangusin a.k.a FLM na may utang daw po kayong 1.7-B,” ani Faustino.

“Magsalita po kayo sir para malaman ng sambayanang Pilipino dahil malaki po itong kasiraan sa inyong pangalan,” dagdag niya pa.

Handa namang magpakita ng ebidensiya si Faustino upang patunayan ang kanyang sinasabi.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Senador Pacquiao sa mga sinabi ni Faustino.

Idinagdag pa ni Faustino na hindi na pera ni FLM ang ginagamit ngayon sa kanyang “Mayaman challenge” kundi ang mga padala na ng mga OFW para sa kanya.

Matatandaan na nakapiit ngayon si FLM dahil sa patong patong na kaso na kinakaharap niya kasama na dito ang diumano’y pagpapalit niya ng pangalan at ang panloloko ng mga gustong maging OFW.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni FLM sa mga akusasyon laban sa kanya.


WATCH| Francis Leo Marcos, ipinagkalat daw na may utang sa kanya si Manny Pacquiao na bilyong piso? WATCH| Francis Leo Marcos, ipinagkalat daw na may utang sa kanya si Manny Pacquiao na bilyong piso? Reviewed by haplasin on May 14, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.