Lubhang nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig at tila walang kaanak na nag-aalaga. Ibinahagi ito ng Heaven Elements facebook page ang pahayag ng isang netizen na kumuha ng litrato ni Lola. Ayon sa uploader, lubos siya napaluha nang mismong siya ang nakarinig ng nakakaawang kalagayan ni Lola. Narito ang kanyang pahayag,
"Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awå na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang "Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos." Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.
"Tapos maya-maya, tinanong ko sya, 'Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?' Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, 'Gusto ko ng PAMILYA.' Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak... Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, 'Anak, baka madumihan ka.' Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Ilang minuto ang lumipas, may kinuha syang litrato, litrato ng pamilya niya. Buo at masaya. Tinanong ko sya ulit.. 'Nay, nasaan na ba yung pamilya mo?' Hindi sya umimik at tinuro nalang niya sa itaas na ang ibig sabihin.. P@tay na. Sa pag alis ko, kinuhaan ko sya ng litrato. Binilhan ko sya ng tubig at tinapay. Nang ibinalik ko yung litrato ng pamilya nya, nilagyan ko ng 500 pesos para sa gastusin nya sa pagkain.
"Tulungan natin si Lola sa pamamagitan ng dasal. Panginoon, humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa isip man o sa gawa. Hinihiling po namin na tulungan nyo po ang mga taong nangangailangan. Lalo na po yung mas mabigat ang dinadala. Panginoon, kung wala ka, wala rin kami. Kaya lubos po kaming nagmamakaawa sa gabay at patnubay sa bawat bukas na aming haharapin."
TINGNAN| Netizen, Bumuhos ang Luha Matapos na Makita at Malaman ang Kalagayan ng Isang Lola!
Reviewed by haplasin
on
May 14, 2021
Rating:
No comments: